Update #1:
Nag-busi-busihan ang lola nyo… harshness.
Eh piano naman, nag-training aketch sa napaka-traffic na Rockville sa Southeastern part ng Maryland. Eh 3 days of darkness din yun - kasama na ang sanlibong segundong pag-babad sa I-495 dahil sa traffic at mga tatlong libong segundo namang commute-teyshen sa train at kotse ko. Itong Lunes lang ako bumalik sa dyopis.
So kamusta ang training? Ayun, nanalo ng payong sa raffle, nakakuha ng mug at natuto ng konti. Proud na ako nun. Hindi ako madalas manalo sa raffle.
Minsan nakakaloka yang mga 3-days of darkness na mga training na yan. Piano, mistulang talunin ang Diyos at i-karir na likhain ang mundo (en ol da kreychurs in it) ng mas konti pa sa pitong araw. Mistulang lumagpas sa ulo ko na tipong Airforce 1 ang mga pinagsasabi ng instructor - mga BPL (bisibol panty line?), mga classes (as in pers class, sekon class na bigas?), mga clients (as in suki?) , mga schema (parang eksema minsan sa pandinig ko), mga “choreography”. Lech! Ang alam ko lang na choreography eh yung ginagawa ni Maribeth Bichara at Douglas Nierras.
Pero siempre nung tinanong ni Reyna Maniwantiwan kung kamusta ang training na pinagkagastusan nilang ipadala ako, eh di siempre nagmaganda ang lola nyo at sinabing, “They were very good.” Pero medyo nag-gilti-guilty-han aketch at na-scared ako na baka pagturuin ako ng lecture (exaggs) kaya biglang kabig ng “but some of the concepts just went over my head,” with matching akting na para ngang may eroplanong dumaan sa taas ng ulo ko gamit ang kamay ko. Eh understanding naman ang Reyna at sinabing, “Oh, I don’t expect you to get all the concepts right away. I just want you to get a feel of the architecture we’ll be using soon. I’m even thinking I might send you again for something similar when we go full blast.”
Bongga!
Buti na lang nakakaintindi ako ng ingles kahit lumagpas na sya ng maximum karir level ko ng ingles na 1 sentence per conversation, 5 words per sentence.
Kaya palagay ko, mag-te-training na naman ako - give or take, 10 years time.
Update #2:
Nung nakaraang linggo pa rin, akala ni Bossing, baliw ang napangasawa nya. Muntik na akong ipasok sa mental.
Lintek naman kasing Creative Labs yan! Gagawa-gawa ng MP3 player, bakit kailangang nakahiwalay ang sync adapter sa katawan ng MP3 player? Eh yung sync adapter ang kabitan ng USB Connector sa comfyuter ko at ng wall charger ko na kumakabit naman sa Zen. Tama bang may middle-man pa kasi?? Ok lang nung una kasi lagi kong dala ang bisit na sync adapter. Well, Cofradia, walang silbi ang mga lintek na USB connector o wall charger kapag ang nawala mo eh ang sync adapter!
Hindi pa ako nervousness. Since may pagkaburara ako sa mga gamit, isip ko, baka nandun sa isa sa mga bag ko. Wala. Nalinis ko na pati aparador ko, di ko nakita. Binaliktad ko na ang buong bahay, wala pa rin. Pero ok pa ako, hanap ako sa internet - dahil for sure merong muring somewhere out there beneath the pale internet light. Out of stock ang sync adapter sa Creative Labs. Eh di hanap ako sa Amazon at baka meron dun. Nakakita naman ako, mas maganda pa nga sana kasi di na needs ang sync adapter - tuloy-tuloy nang wall at car chargers at USB adapter. Ikabit sa zen papunta na sa outlet o PC. So buy ako. Naloka pa nga ako kasi $4.79 lang - USB Adapter, Car Charger atsaka Wall Charger. Bongga.
Kanda hintay ako ng isang linggo, ok pa rin. Pero, mind you, dalawang linggo nang nawawala ang punyetang sync adapter ko, bago ko naisip na humanap ng kapalit. May mga nakabinbin pa akong mga CDs na hiniram ko sa library para icopy sa Zen ko. At bitin na bitin na ako dahil gamit ko ang Zen ko wherever, whenever. Mistulang nagdadrive ako, nasa commute, nasa trabaho, nag-e-exercise. LAHAT!
Pero ano nga ba sabi nila? Kung seems too good to be true, it might be false? Lintek na yan! Pagdating, tama bang 3 CAR CHARGERS ang pinadala sa akin???? Punyets! Sabi ko, aanhin ko itoooooooooooooohhhhhhhhhh????
Alam nyo yung pakiramdam na gutom na gutom na kayo, nandidilat na kayo sa pagka-Tom Jones, tapos tatamaan ng kidlat ni Lord lahat ng pwedeng kainin? Ganun! Di na ako makausap ng matino ni Bossing. Di na ako ngumingiti at mura na ako ng mura. Ni ayaw ko nang kumain. Gusto ko nang bugbugin lahat ng tao sa daan. Nagtaray na ako sa email sa merchandiser/supplier ng Amazon. Naisip-isip ko, “Leche, kung iPod itong gamit ko hindi siguro ako nayayamot ng ganito.”
At right der en den, walang abog-abog, nagpasiya ako, bibili ako ng iPod dahil hindi ko na kaya ng walang music. Ganun na ako kahayok. Eh lintek naman, di na nga ako nagyoyosi, di na ako tumutungga ng alak hanggang sumuka, pati pagkain ko tinitipid ko na, eto na lang MP3 player ko ang bisyo ko, mawawala pa. Hindi naman ako papayag na. Harshness na yun. Kaya nung gabi, sinabi ko kay Bossing, bibili na ako ng iPod. Eh sumagot ng “bakit bibili ka na????”
Alam nyo yung halos magdikit na ang mga talukap ng mga mata ninyo, at mistulang super liit na ng mundo sa tingin no at lumalabas na ang usok sa ilong nyo??? Anorawsabinya????? Bakit daw ako bibili na???? IMBEY tu da hayest na aketch!!!
At yun na, umiyak na ako sa sobrang pikon. With matching singhot at hikbi. With matching, “eh hindi mo naman naiintindihan kung bakit importante sa akin yun, eh!” At tumalikod ako sa kanya at tinuloy ko iyak ko. Don’t get me wrong. Hindi ako engri kay bossing. Talaga lang pikon na pikon ako. Yun ang isa kong ugali - kapag nag-obssess ako sa isang bagay at inabot ako ng frustration at wala akong makitang remedyo agad-agad, napipikon na ako sa sitwasyon.
Maya-maya, siguro naimbey na rin si bossing, nagsalita na ng “sige na, bumili ka na. Bukas na bukas din, bumili ka na.” Eh hindi pa rin ako tumitigil. Ang kawawa kong asawa, akala siguro eh mp3 player lang bakit sobrang mistulang na-tsunami na ang buong mundo ang reaction ko. Ako man, makita ko ang sarili ko, in an transcendental meditating way, aakalain ko talagang baliw na ako.
Pero di ako nag-jo-joke. Kinabukasan, pagkatapos ng training, pag-uwi ko habang iniintay ko si Bossing sa train station para sunduin ako, dumaan ako ng Circuit City at bumili ng iPod. Di na umimik si bossing nung makita nya ang supot ko (at isip nya siguro magluka-lukahan naman ako). Sabi lang nya, “balak ko pa namang ibili ka ng iTouch.” Na-touch naman ako. Pero siempre, bumalik na ang bait ko kaya sabi ko, “Wag na, mylabs. Ang dami-dami mo nang gastos, eh.” (Sa tutuo lang, di ko masyadong feel ang iTouch kasi nga mas konti ang capacity. For the price parang hindi pa sya worth it sa akin.) At ki-niss ko na lang sya. Nag-sorry din naman ako kasi nga mistula nga akong baliw. Pero yun nga, the whole weekend, di ako lumalabas dahil wit na akesh andalucia. Buti na lang sweldo na tudey.
Siguro isip nyo, bakit kasi hindi pa iPod ang binili ko in the first place? Kasi nag-sale ang zen sa circuit city nun. Nabili ko lang sya ng $199 at wala pa nun yung iPod classic. Yung presyo ng iPod nun, mas mahal pa for the same capacity. Basta. At that time, mid-year 2007, mas sensible bumili ng Zen.
Hay naku… wala na akong bibilhin pa na luhong ganito - for about 10 years. Pramis!
Update #3
After 75,000 years, bumalik sa pagkabuhay ang blogkadahan.com! May bago po kaming mga entries. For this round, ang mistulang slumbook na Proust Questionnaire. Kaya bisitahin nyo po kami. Maaaliw kayo sa mga sagot namin sa mga tanong ni Proust.
Update #4
Eto malungkot na update.
Namatay na ang kapatid ng prenship to the max kong si Fafa, na si Howlin’ Dave. (Sa mga hindi pa nakaka-alam, si Howlin’ Dave, Dante David in real life, eh kapatid na mas matanda ni Fafa.) Nung binalita sa amin ito ni Ateng sa bloggingberks egroup, na-shock ako. Kasi nasa mga pictures pa sya ni Fafa na kinunan nung book launch ni Fafa sa pinas. Parang ang hirap maimagine na wala na ang legendary icon ng pinoy rock and rhythm broadcasting.
Nung binabasa ko yung mga tribute articles ni Pocholo Concepcion kay Dante, parang sobra ang lungkot ko. He lived the life - a very colorful one. I just hope that he doesn’t have any regrets about anything. He did great. May malaking place sya talaga sa history ng Pinoy Rock and Roll.
May he rest in peace… or better yet, sana tuloy-tuloy ang jamming nya sa langit.
O sya… sa susunod ulit ang mga update. May mga exciting na nangyayari ngayon pero Queep Kiyawet muna ang lola. Kapag natapos na lang.
Babush for now!